Sunday, April 26, 2009

Pinoy Vintage Military Truck in an International Auto Parts Show


I ba talaga pa gawang Pinoy. World Class quality talaga. Tulad na lang ng Vintage Military truck na ito na nabida sa isang auto parts show sa Taiwan.

Ang Exhibit o Show na ito ng 2009 Taipei International Auto Parts ay ginanap noong April 14 hanggang 17 sa TWTC Nangang Exhibition Hall sa nabanggit na bansa.

Para sa karagdagang inpormasyon , makikita ang kabuuan ng balita sa Inquirer.net.

Friday, December 5, 2008

Negosyante sa Surplus Autoparts

Isa sa mga trabaho na pantawid gutom sa mga Pilipino ay ang pagbebenta ng kung anu ano. Mula sa maliit na bagay hanggang sa malalaking produkto.

Ang pagbebenta ng Surplus Auto Parts ay isa sa mga patok na pangkabuhayan.Malaki ang demand nito lalo na sa kalakhang Maynila. Ang pinakasikat na lugar para sa ganitong mga produkto ay ang Banawe sa Quezon City, Evangelista sa Pasay at meron din sa Blumentrit, Manila.


Sa sobrang dami ng sasakyan sa Kamaynilaan, siguradong patok na negosyo ang Surplus Auto parts.

Kung bibili ka sa mga lugar na ito, kinakailangan mong magsipag sa paglalakad at pagtatanung. Nang sa ganun makakuha ka ng pinkamurang halaga. Di rin maiiwasan makaharap ang mga taong nanloloko. Tinatawag silang "asungot" o mga tao na nasa lansangan at nag hihintay ng mamimili na madaling lokohin. Karaniwang sobrang taas ang singil ang halaga at sira pa ang mga binebenta nilang piyesa. Kadalasan, pagbalik mo kinabukasan upang palitan ang piyesa, dimo na sila makikita.

Kailangan maging maingat sa pamimili at siguraduhing bibili sa tindahan at wag sa mga asungot na nakatambay lamang. Ugaliin din na magtanung muna sa tatlo hanggang 5 tindahan bago magpasya kung saan bibili.

Thursday, December 4, 2008

Surplus Autoparts

Nalaman ko na may malaking demand ang surplus autoparts sa Pilipinas. Para sa mga may ari ng mga sasakyan pang publiko man o pribado di maiiwasan na bumili sila ng 2nd hand or tinatawag na surplus items.
Para sa kanila, malaking matitipid nila dito, dahil ang bumili ng original ang bagong piyesa ay napaka mahal.