Friday, December 5, 2008

Negosyante sa Surplus Autoparts

Isa sa mga trabaho na pantawid gutom sa mga Pilipino ay ang pagbebenta ng kung anu ano. Mula sa maliit na bagay hanggang sa malalaking produkto.

Ang pagbebenta ng Surplus Auto Parts ay isa sa mga patok na pangkabuhayan.Malaki ang demand nito lalo na sa kalakhang Maynila. Ang pinakasikat na lugar para sa ganitong mga produkto ay ang Banawe sa Quezon City, Evangelista sa Pasay at meron din sa Blumentrit, Manila.


Sa sobrang dami ng sasakyan sa Kamaynilaan, siguradong patok na negosyo ang Surplus Auto parts.

Kung bibili ka sa mga lugar na ito, kinakailangan mong magsipag sa paglalakad at pagtatanung. Nang sa ganun makakuha ka ng pinkamurang halaga. Di rin maiiwasan makaharap ang mga taong nanloloko. Tinatawag silang "asungot" o mga tao na nasa lansangan at nag hihintay ng mamimili na madaling lokohin. Karaniwang sobrang taas ang singil ang halaga at sira pa ang mga binebenta nilang piyesa. Kadalasan, pagbalik mo kinabukasan upang palitan ang piyesa, dimo na sila makikita.

Kailangan maging maingat sa pamimili at siguraduhing bibili sa tindahan at wag sa mga asungot na nakatambay lamang. Ugaliin din na magtanung muna sa tatlo hanggang 5 tindahan bago magpasya kung saan bibili.

No comments: